in

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz ipinamalas ang galing nila sa pagrampa sa Miss Universe PH runway challenge

Muling pinahanga nina Kisses Delavin at Mauree Wroblewitz ang kanilang mga fans.

Kamakailan nga lamang ay back to back win ang ang nangyari kay Kisses.

Dahil muli na naman niyang nasugkit ang top spot para sa video introduction challenge sa Miss Universe Philippines 2021.

Ang aspiring beauty queen din ang may pinakamaraming boto at nanguna sa headshot challenge ng kompetisyon.

Sabado (Agosto 7) nang ianunsyo ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang official Facebook page ang top 15 kandidatang nanguna sa dami ng boto para sa naturang challenge.

“Here are the delegates who topped our Video Introduction Challenge! Congratulations, ladies!” saad sa caption ng Miss Universe Philippines Facebook page.

Pumapangalawa naman kay Kisses ang Tiktok star/content creator na si Rousanne Marie Bernos at pangatlo si Maureen Christa Wroblewitz.

Sa swimsuit photo naman ay makikita ang magandang pag awra ni Kisses na nakasuot ng one-piece bikini.

At syempre hindi din papahuli si Maureen sa pag pose dahil hinirang na siya bilang Asia’s Next Top Model.

Suot ang mustard twop piece bikini ay talaga namang kabog na kabog sa harap ng kamara itong si Maureen.

Sa kanyang Ig post ay pinasalamatan din ni Maureen ang kanyang mga supporters at nakapasok siya sa TOP 75 list of delegates.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maureen Wroblewitz (@mauwrob)

At sa panibagong challenge for Miss U PH 2021, ipinamalas muli nina Maureen at Kisses ang kani-kanilang galing sa pagrampa.

Si Maureen ay ang lungsod ng Pangasinan ang nire-represent.

Samantalang si Kisses naman ay itinatayo ang bandera ng bayan ng Masbate.

Sina Kisses at Maureen ang mga nangunguna sa 75 delegates for Miss Universe PH 2021.

Sino kaya sa kanila ang mangunguna ngayon para sa runway challenge?

Julia Montes inumpisahan na ang training para sa ‘Ang Probinsyano’ video ng kanyang stunt viral na

John Regala inalmahan ang mga pekeng balita ng pagkawala niya, nanawagan sa mga networks ng trabaho