in

Kiray Celis ibinahagi kung paano alagaan at mahalin ni Mygz Molino si Mahal sa kanilang set

Muling inalala ng Kapuso comedian na si Kiray Celis ang namayapang kaibigan na si Mahal o Noeme Tesorero sa totoong buhay.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Kiray ang pangungulila niya kay Mahal.

Kinakamusta niya ito at kung masaya na daw ba ang komedyana ngayong kapiling na rin nito ang kanyang ama.

Saad ni Kiray, “Hello ate noeme ko! Happy kapo diyan kasama ng papa mo?! Sana di kana po nahihirapan diyan ate mahal ko.”

Sinabi din ni Kiray na dapat ay kamustahin din ang pamilyang naiwan ni Mahal at pati na din si Mygz Molino.

“At wag rin po natin kalimutan na kamustahin ang family ni ate saka si kuya mygz.”

Ikinwento din ni Kiray kung paano niya nasaksihan ang pag-aalaga at pagmamahal ni Mygz kay Mahal. At saludo daw siya sa ginawang ito ni Mygz.

“Saksi kaming Owe my love family ni ate mahal. Kung gaano niya po mahalin, alagaan, bantayan si ate mahal.”

“Sobrang saludo kami kay kuya mygz. Pagpray po natin si ate, family niya saka po sila kuya mygz. Salamat po.”

Nagbigay din ng maikling trivia si Kiray. Tungkol sa ginampanan nitong role noon.

“Btw, short trivia po. Naalala ko, sabi ko kay ate mahal nun. Picture kami tapos yung caption ko, “KASAMA KO SI KOKEY!!” Hehe! Alam niyo ba na siya yung gumanap na unang kokey? Yung movie ni carlo aquino! Cool no?!”

Sa huli ay muling nalungkot si Kiray at sinabi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang Ate Noeme.

“Hayyyy ate noeme.. sarap balik balikan ng mga masasayang panahon na nakasama ka namin. Mahal na mahal ka namin ate!”

Narito ang kabuuan ng post ni Kiray:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Matapos kumpirmahin ni LJ Reyes ang kanilang hiwalayan, Paolo Contis spotted na may kasamang ibang babae

Video ng mensahe noon ni Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” pinutakte ng mga netizens