in

Kimpoy Feliciano dinepensahan si Heaven Peralejo laban sa mga bashers, sinabing magkaibigan lang sila ng aktres

Usap-usapan ngayon online ang mga larawan nina Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo.

Ang mga nasabing larawan ay ibinahagi ng social media influencer na si Kimpoy sa kanyang Facebook post.

“It’s not the place, it’s always the people,” caption pa ni Kimpoy sa kaniyang facebook page, nasa Tinipak River sila nina Heaven at mga kaibigan sa Tanay Rizal.

Bagama’t mapapansin ding hindi lamang sila ang magkasama sa naturang lakad, hindi pa rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang kanilang larawan.

Pinutakte agad ng bashers ang kanilang mga litrato. At syempre hinalungkat nila ang mga nakaraan ni Heaven.

May mga nagsabi na magingat daw si Kimpoy dahil may attitude si Heaven.

Dahil dito, agad namang naglabas ng pahayag ni Kimpoy at sinabing magkaibigan sila ni Heaven.

“Para sa mga rude sa comment section, Magkaibigan kami ni Heaven. If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you,” saad ni Kimpoy.

“Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga. Also, hindi po kami ni Anghet and wala naman pong masama kung may iba akong mga kasama,” dagdag pa nito.

Sinabi din ni Kimpoy ma magkaibigan lamang sila ng aktres. May mga fans kasi nila ni Anghet ang nagalit.

Pero ipinaliwanag din naman nito na wala silang relasyon ni Anghet.

Sa mga nakaraang post kasi ni Kimpoy ay lagi nitong kasa-kasama ang kaibigan nitong si Anghet na siyang kinakililigan ng kaniyang fans.

Nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao sinagot kung buntis nga ba ang aktres, Vina nagulat sa relasyon diumano nito kay Piolo Pascual

John Lloyd Cruz official Kapuso na! Ipinakilala na ng GMA sa isang presscon