in

Kim Atienza may cryptic comment sa post ni Camille Prats tungkol sa pagiging direktor ni John Prats

Tila pinapasaringan umano ni Kuya Kim Atienza ang ‘It’s Showtime’ sa komento niya sa post ni Camille Prats.

Ibinahagi ni Camille Prats ang post ng kapatid niyang si John Pratts kung saan masayang ibinahagi ni John ang magandang pangyayari sa career niya.

“This is Big! Never ko naimagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na Director ng ABS-CBN. Thank you Lord God. Salamat Direk CM sa tiwala at sa pag gabay.

“Thank you Tita Cory , Direk Lauren and Sir Deo and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat. And just WOW! Mega star is in the house!!! This is really BIG! Probinsyano never stops!!! 6 years and counting. To God be the Glory. Napakalaki ng Cast! Nakakalula, ngayon lang ata ako naka experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming Bituin! Enjoy mga Kapamilya,” post ni John.

“Kuya ko yaaaan!!!” caption ni Camille sa kaniyang shared FB post.

Nagkomento naman rito si Kuya Kim. “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Bagama’t as of this writing ay deleted na ang naturang komento, may mga netizens naman na nakapag-screenshot nito.

May mga nagsabi pa na tila ang tinutukoy ni Kuya Kim na sakit ng ulo ay ang ‘It’s Showtime’

Matatandaan kasing naging pansamantalang direktor ng It’s Showtime si John Prats partikular na sa hit segment ngayon na ‘Reyna ng Tahanan’.

Ngunit dahil sa bukod sa bahagi siya ng serye ay isa na rin siyang direktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ay kinakailangan niyang mas mag full time dito at bitawan ang It’s Showtime.

Pero ano nga kaya ang ibig sabihin ni Kuya Kim sa kanyang comment? Patutsada nga kaya ito sa dating kinabibilangang show tulad ng sinasabi ng mga netizens?

Soon to be mom-of-two na si Jennylyn Mercado gumamit pa ng Tarot Cards para malaman kung buntis ba talaga siya!

Albie Casiño nagpasalamat sa pagiging bahagi niya ng PBB kahit sandaling panahon lang