in

Kim Atienza binigyan ng payo si Palo Contis tungkol sa kinakaharap nitong kontrobersiya ngayon

Bilang “KUYA” ng lahat, isang payo ang ibinigay ni Kim Atienza para kay Paolo Contis.

Kamakailan nga ay naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Maraming pangalan ang nadawit sa kontrobersiyang ito. Ilan dito ay ang aktres na si Yen Santos. At pati na din ang dating partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes.

Sila ang mag itinuturong third party umano at naging dahilan ng break up nina Paolo at LJ.

Si Joy ay nagsalita na tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa pamamagitan ng post sa Instagram.

Samantalang si Yen ay magpasa hanggang ngayon ay tikom pa din ang bibig tungkol sa isyu.

Si Paolo naman ay kagabi lang binasag ang kanyang katahimikan at nagbigay na ng kanyang pahayag.

Dinepensahan niya din si Yen dahil nadamay pa umano ang aktres sa problemang siya umano ang dapat sisihin.

Sa kanyang Instagram post ay ipinaliwanag lahat ni Paolo. At itinanggi ang mga maling paratang sa kanya ng taong bayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Sa sumunod pa niyang post ay nanghingi siya ng patawad sa mga nanay ng kanyang mga anak. At sa mga babaeng naging parte ng kanyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Sa comment section naman ng post ni Paolo ay binigyan siya ng payo ni Kuya Kim Atienza.

Saad ni Kuya Kim, ” Lahat nagkakamali pao. We just have to make up for our mistakes. May panahon pa. The kids are young”

Marami namang netizens ang sang-ayon sa sinabi ni Kuya Kim at sana raw ay huwag naman ulit-ulitin ni Paolo ang mga kaparehong pagkakamali.

Paolo Contis nanghingi ng tawad sa pamilya dahil sa kamaliang nagawa niya sa mga ito

Aktor na si Paulo Avelino nabigla, napamura dahil sa face changer app na inedit ang kanyang mukha