in

Kilalanin si Nene Limosniro, ang isa sa biggest blessing ng aktor na si Sam Milby

Personal assistant ni Sam Milby, isa sa mga itinuturing niyang biggest blessing sa kanyang buhay.

Marahil ay maraming nakakakita sa isang babaeng laging kasama ni Sam Milby sa kanyang mga litrato.

Ang ilan ay nagtataka kung sino nga ba ito sa buhay ng singer actor. Kaya naman ito ang nilinaw ni Sam Milby sa ilang panayam sa kanya.

Ayon kay Sam, isa si Nene Limosniro sa taong mahalaga sa kanyang buhay.

Si Nene ang personal assistant ng aktor sa loob ng labindalawang taon nito sa industriya.

Sa tagal na nilang magkasama, itinuring ni Sam si Nene sa isa sa malaking biyaya na kanyang natanggap. At gayundin naman ang nararamdaman ni Nene.

Bilang PA ni Sam, ay nararanasan din ni Nene ang ilan sa magarbong buhay ng aktor, tulad na lamang ng makapasyal at makapagbakasyon sa ibang bansa.

Nakakasalamuha din niya ang ibang mga artistang nakakatrabaho din ni Sam. Tulad na lang nila Jericho Rosales, Angel Locsin, at marami pang iba.

Bilang isang PA, ay malaki ang bahagi ni Nene sa buhay ng aktor, dahil mula pa lamang sa pag-uumpisa ni Sam sa showbiz ay siya na ang kasa-kasama nito. Siya rin ang nagturo sa aktor sa pagsasalita ng tagalog.

Samantala, ang maganda at maayos na pamumuhay na ibinibigay ni Sam kay Nene, ay pagpapakita lamang ng aktor kung gaano siya nagpapasalamat dito.

“When it comes to help, mahirap makahanap ng taong pagkakatiwalaan, but I got lucky right from the start. My assistant for over 12 years na, I couldn’t ask for someone better. Napakahusay, maalaga, #1 defender… Nene is of the biggest blessings in my life. And I just want to honor her today for who she is,” saad ni Sam.

Netizens, umantig ang mga puso sa magkapatid na ito na gumawa ng simpleng surpresa para sa kaarawan ng kanilang ama!

Mala-mansyon na rest house niya sa Batangas, ipinasilip ni Piolo Pascual