in

Kilalanin si Lyza Bayola ang artistahin din na anak ni Dabarkads Wally Bayola

Lingid sa kaalaman ng publiko na ang anak ni Dabarkads Wally Bayola ay artistahin din.

Isa sa sikat at napaka talentadong komedyante si Dabarkads Wally Bayola na ka-duo ng isa rin sa sikat na komedyante ngayong henerasyon na si Jose Manalo.

Maraming hindi nakakaalam na meron na siyang limang naggagandahan at nagguwapuhang anak. Isa na rito ay si Lyza Bayola na talaga namang head turner sa kanyang angking kagandahan.

Sa isang Instagram post, binati ni Lyza ang kaniyang ama na si Wally para sa selebrasyon ng kaarawan nitong noong Mayo 3. Kalakip nito ay ang mga larawan kung saan sila ay mga bata pa.

Super fan din si Lyza ng kanyang Daddy, lalo na noong gumanap siya bilang Lola Nidora sa Kalyeserye na nagpakilig sa milyong milyong tao dahil sa tambalang ALDUB nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Madalas din noon dumadalaw si Lyza sa Eat Bulaga Studio at nakabonding narin niya ang mga co-host ng kanyang ama sa Eat Bulaga. Base sa kanyang social media ay close din ito kay Alden Richards.

Si Lyza ay may isang anak na din na babae na ngayon ay limang taon na.

Marami mang napandaanang pagsubok ang pamilya ni Wally ay naging matibay parin ang samahan nila ng kanyang asawa at mga anak.

Nadine Lustre “Badass Chic” ang datingan sa kanyang brand new Ducati Scrambler Sixty2

Dina Bonnevie na-meet na ang bunsong apo sa anak na si Oyo Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa