in

Kilalanin si Lea Dumortier ang French-Taiwanese TikToker na look-alike ni Marian Rivera

Maraming Pinoy netizens ang nahuhumaling ngayon sa ganda ng isang TikTok user.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang dalaga mula sa bansang Taiwan, dahil maliban sa pagkakaroon niya ng magandang mukha ay mas naging agaw-pansin nga sa mata ng mga netizens ang pagiging kamukha umano nito sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ito ay ang French-Taiwanese na si Lea Dumortier.

Ayon pa nga sa 18-anyos na dalaga, marami ang nagsasabing kamukha niya ang Pinay celebrity.

“because I get so many Marian Rivera comments…” saad nito sa isang TikTok video na mayroon nang 2.9 million views.

Biro pa nga ni Lea: “maybe I’m secretly her daughter.”

Makikita nga sa mga video at larawan ng nasabing dalaga, na kapag pinagmasdang mabuti ang kanyang mukha ay talaga namang masasabi nga na ito ay mayroong malaking pagkakahawig kay Marian.

Ayon naman sa kanyang social media accounts, nakabase si Lea sa US at nag-aaral sa UC Berkeley for college.

Gumawa din si Lea ng isang make up video kung saan sinabi niya na ganun daw ang itsura ni Marian.

Samantala, para naman bigyan pa ng aliw ang mga humahanga sa kanyang angking ganda na hawig ng sa mga kilalang celebrity, ay gumawa ng isang video si Lea kung saan ay ikinumpara nga niya kung sino talaga ang mga Pinay celebrity na ka look-alike niya.

Para naman kay Lea Dumortier ay talagang nakaka-overwhelmed ang mga natanggap niyang mensahe mula sa kanyang mga tagahanga.

Sharon Cuneta, Sinuportahan si Jinkee Pacquiao Laban sa Mga Bashers ng Kanyang OOTD

Jinkee Pacquiao nag-flex ng kanyang mamahaling carpet, nagbiro pa na baka isama din sa computation