in

Kilalanin si Kenneth ang “Lucky Charm” sa buhay ng Kapuso actress na si Andrea Torres

Masayang nagkaroon ng quick vacation ang Kapuso actress na si Andrea Torres kasama ang kanyang pamilya sa Batangas.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Andrea ang pag-stay nila sa The Farm at San Benito. Isang kilalang resort sa Batangas.

Dito ay kasama niya ang kanyang pamilya, at ang pinakamamahal niyang kapatid na si Kenneth na itinuturing niyang lucky charm sa kanyang buhay.

Saad ni Andrea sa kanyang caption, “One of the things we were aiming for was to get Kenneth to walk here so he can have exercise while breathing in fresh air and sunlight Achieved! Yay!”

Pinasalamatan din niya ang staff ng resort sa pag-aasikaso ng mga ito sa kanyang kapatid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Instagram (@instagram)

Marahil marami ang hindi nakakaalam na si Andrea ay pangalawa sa bunso sa kanilang limang magkakapatid.

Ayon kay Andrea nais niya na magkaroon ng kapatid at hiniling nga niya ito sa kanyang ina dahil gusto niya na may tumatawag sa kanya ng “ate.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Instagram (@instagram)

Sumunod nga sa kanya ay ang bunsong kapatid niya na si Kenneth. Kung saan dahil silang dalawa ang magkasunod sa kanilang magkakapatid ay sila nga ang pinakamalapit sa isa’t isa.

Si Kenneth ang bunsong kapatid ni Andrea ay mayroong special needs, kaya naman ito ay talagang kinakailangang bantayan at paglaanan ng oras.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Instagram (@instagram)

Sa kabila naman ng pagiging espesyal ng bunsong kapatid niyang si Kenneth ay hindi naman umano nawalan ng pasensya si Andrea sa kanyang kapatid.

sa katunayan pa nga ay ito pa ang naging dahilan upang mas magtulungan silang magpamilya. At mas galingan niya ang kanyang pagtatrabaho.

Marco Gallo aminadong crush si Julia Barretto kinilig ng malaman may kissing scene sila ng aktres

Maureen Wroblewitz ipinasilip ang kanyang Bangus-inspired costume para sa Miss U PH 2021