in

Kilalanin ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach na ngayon ay Kapuso artist na

Panganay na anak ni Niño Muhlach pinasok na din ang showbiz!

Si Sandro Muhlach ang pinakabagong Kapuso artist ngayon.

Nakilala siya hindi lang bilang anak ng dating child wonder kundi dahil sa angkin din niyang talento.

Bukod sa napakagwapo ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach ay may potensyal pa ang batang ito na makilala o magkaroon ng magandang trabaho dahil hindi lamang looks ang namana niya sa kaniyang Ama dahil na rin ito sa galing at sipag niya.

Nagsimula si Sandro na umarte sa teatro noong siya ay 13-years old pa lamang.

Marunong din siyang kumata, sumayaw, at tumugtog ng gitara.

Sa likod naman ng kamara ay hilig ni Sandro ang maglaro ng basketball at mag-scuba diving kasama ang kanyang ama.

Sa guesting naman ng mag-ama sa show na ‘Mars Pa More,’ ibinahagi ni Niño kung gaano kabanidoso ng kanyang anak.

“Si Sandro, sa sobrang vain niya, ayaw niya magpaaraw. Ako nagyayaya sa kanya mag-scuba diving, hand gliding. “As in ‘pag nag-i-scuba dive kami, balot na balot siya,” saad nito.

Samantala, nakuha naman ni Sandro ang kanyang diving license noong 14-years old siya.

Ang kanyang full name ay Allessandro Martinno M. Muhlach.

Nakagawa na din ng ilang commercials si Sandro gaya ng Casino Alcohol at BDO.

Noong kanyang 19th birthday ay naging usap-usapan ang napakagandang regalo na natanggap niya sa kanyang ama.

Niregaluhan siya nito ng isang brand new Cool Ray (Geely) car.

Ayon sa actor-comedian na si Nino, last year pa sana niyang balak bigyan ng sasakyan si Sandro on his 18th birthday pero hinintay niyang grumadweyt ito ng high school.

Halos maiyak sa tuwa si Sandro nang makita niya ang kakaibang birthday and graduation gift sa kanya at hindi niya napigilang yakapin ito nang mahigpit.

John Lloyd Cruz ipinakita ang pangungulila sa anak na si Elias Modesto

Dani Barretto naging emosyonal sa kinalabasan ng transpormasyon ng kanilang bahay