in

Kilalanin ang napakagandang Russian girlfriend ng Kapamilya actor na si Joseph Marco

Nasa cloud nine kung ilarawan ang nadarama ng aktor na si Joseph Marco. Na finally ay nahanap na niya ang ‘the one’ para sa kanya.

Sa pamamagitan ng Instagram. ay ipinakilala ni Joseph Marco sa publiko ang kanyang napakagandang Russian girlfriend na si Dasha Romanova.

Sa una niyang post ay ang litrato nila ng dalaga na may caption naYou are the one I’ve waited for.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

Kasunod naman nito ay isang appreciation post ang ibinahagi ng aktor. Pinasalamatan niya ang nobya sa pagdating nito sa kanyang buhay. Kalakip ang maraming litrato ng kanilang bonding moments.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

May video din na tumatakbo ang magkasintahan sa dalampasigan. Nakakilig na caption pa ni Marco sa kanyang post, “I’ve found her whom my soul loveth.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

Dahil sa marami ang mga tagahanga ng aktor ang agad kinilig sa mga larawan at video na ibinahagi niya kung saan ay kasama niya ang nobya, ay agad nag-search ang mga ito ng tungkol sa pagkatao ni Dasha Ramanova.

Dito napag-alaman ng marami sa atin na si Dasha Ramanova, ay isa palang Russian model at ang kanyang tunay na pangalan ay Darja “Dasha” Romanova.

Naging usap-usapan naman ang nobya ni Joseph Marco, sa social media, dahil sa mga larawan nito. Kung saan ay kitang-kita sa dalaga kung gaano ito kaganda na ang ilan pa nga ay sinasabing tila isa itong buhay na manika.

Mapasimple man o bongga ang pagkaka-ayos ni Dasha, ay hindi maitatanggi na napakaswerte ni Joseph Marco dahil sa angking gandang taglay ng nobya.

Ellen Adarna madaming ibinunyag tungkol kay Derek Ramsay sa vlog collab nila ng JaMill

Herlene ‘Hipon Girl’ Budol nasorpresa ng bigyan ni Ivana Alawi ng brand new Iphone 12