in

Kiko Estrada nagsalita na tungkol sa issue sa relasyon kay Heaven Peralejo at hiwalayan nila ni Devon Seron

Sa kauna-unahang pagkakataon, Kiko Estrada nagsalita na tungkol sa mga kontrobersiyang kinakaharap.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Kiko Estrada. Dito ay napag-usapan nila ang mga issue na kinasasangkutan ng aktor.

Sa simula ng kanilang usapan ay sinabi ni Kiko na wala umanong overlapping sa naging relasyon niya kay Heaven Peralejo at Devon Seron.

“So ibig sabihin, Kiko, hindi naging maganda yung paghihiwalay ninyo ni Devon?” tanong ni Ogie. Sagot naman ng binata, “It was not a good breakup.”

Sa gitna ng hindi nila magandang paghihiwalay hiling pa din ni Kiko ang kabutihan ng kanyang dating kasintahan.

“I wish her well and I wish her the best,” saad nito.

Nang maitanong naman kung nakapag-usap sila ni Devon matapos ang hiwalayan, saad ni Kiko ay maayos naman daw sila.

Naging civil din umano sila sa isa’t-isa matapos ang kanilang paghihiwalay.

Sinundan din ito ng tanong ni Ogie na kung ano ang reaksyon ni Kiko sa mga cryptic post ni Devon sa social media.

Pagbabahagi ni Kiko, “I guess she’s just hurt, Tito. I guess nasaktan sila sa nangyari, I never overlapped, but I guess if you want to blame something on me.

“It’s just that I moved on fast and I think it’s my fault.” Nanghingi din ng paumanhin ang aktor sa pamilya ni Devon.

Sa isang parte ng interview inilahad din ni Kiko na hindi niya ginustong iwan noon si Devon.

“Tito, we both hurt each other. It was a breakup, not a good one. Like I said Tito, maybe that’s my fault”

“But there was no overlapping, but I was hurt too. I didn’t want to leave her, but the situation caused it. Nangyari na yung nangyari”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang panayam:

Ion Perez masayang ipinakita ang kanyang bagong blessing, ang kanyang brand new Blue Ford Ranger

Cristy Fermin binatikos si Jinkee Pacquiao sinabihang walang pakealam sa nagaganap sa mundo ngayon