in

KC Concepcion at Apl.de.ap namataang nag-date sa isang restaurant sa Los Angeles kung saan naroon din si Piolo Pascual

Spotted na namang muli na magka-date ang rumored couple na sina KC Concepcion at International singer na si Apl.de.ap.

Magmula pa taong 2019 ay maugong na ang balita na nasa dating stage na nga sina KC at Apl.de.ap.

Nag-umpisa ang lahat ng ito ng magpost si KC ng litrato nila ni Apl.de.ap na magkasama sa ibang bansa.

Naging guest din ni KC noon si Apl sa kanyang online cooking show.

At magmula nga noon ay naging maugong na ang balita na nagkakamabutihan na nga ang dalawa.

Sa isang naging interview kay Apl.de.ap noong 2013, inamin nito na niligawan niya noon si KC.

Sey niya sa naturang interview: “I was serious at the moment, you know. But unfortunately, time didn’t connect well and I got too busy. But, you know, we are still friends.”

At kamakailan lamang ay namataan muling magkasama ang dalawa sa Yamashiro Japanese restaurant.

Na matatagpuan sa tuktok ng Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California.

May kanya-kanya silang solo picture kasama si Vallerie Castillo, ang unang Pinay executive chef ng restaurant.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, nakitang magka-date sina KC at Apl sa L.A. restaurant.

Naroon din daw noong gabing iyon ang grupo ni Piolo Pascual, na ex-boyfriend ni KC.

Si Piolo ay kasama ang kanyang pamilya’t mga kaibigan na nasa isang private room, samantalang si KC naman ay kumpirmadong ka-date ang Fil-Am singer na si Apl.de.Ap.

Matagal na ring napapabalitang may relasyon sina KC at Apl.de.Ap, pero ayon naman sa isang malapit sa kanila, wala pa talagang relasyon ang dalawa.

Kasama rin ni KC na humarap sa mga kakilala si Apl.de.Ap at hindi umiwas na makitang sila ang magka-date.

Bagong litrato ng rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin kinakiligan ng maraming netizens

DJ Loonyo nag-sorry kay Toni Fowler dahil sa mga pangyayari noon nang magkita sila sa ‘Battle Of YouTubers’