in

Kaya pinag-aagawan, Seth Fedelin ‘daks’ daw ayon kay Ogie Diaz

Ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz ang tunay na dahilan bakit nga ba pinag-aagawan si Seth Fedelin.

Magpasahanggang ngayon ay trending pa din sa social media ang tila love triangle. Na kinasangkutan nina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, at Francine Diaz.

Pati ang kani-kanilang fandom ay kabilaan na din ang parinigan. Pero marami din na nais na magkaayos ayos din sila.

Upang hindi umano masira ang samahan ng ‘Gold Squad’ na kinabibilangan ng tatlong young Kapamilya stars.

Isa na nga sa nagnanais na matapos na ang sigalot nina Seth, Francine, at Andrea ay si Ogie Diaz.

Aniya, lahat naman daw ng mga sikat na tambalan noon ay nagkaroon din ng bangayan subalit sa pagdaan ng panahon ay naayos naman daw. Normal lang daw na pagdaanan ang mga ganitong ganap.

At sa awatang ito ang tanging naiipit umano ay si Seth.

Kaya naman sa kanyang Showbiz update vlog kasama si Mama Loi ay may pabirong pahayag si Ogie.

Ayon kay Ogie na kapag ang lalaki raw ay pinag-aagawan ng dalawang babae, ‘daks’ daw ang peg nito.

Ani Ogie nakarating sa kanya mula sa isang source na ‘daks’ nga ang batang aktor.

Hindi naman daw ito kataka-taka dahil may lahi rin na Amerikano si Seth.

“Paano na-confirm?” tawang-tawang tanong ni Mama Loi. Sa puntong ito ay hindi na dinetalye ni Ogie kung paano ito nakumpirma.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Andrea Brillantes namigay ng mga laruan at pagkain sa mga batang lansangan noong Pasko

Jessy Mendiola sa mga nagtatanong kung kailan siya magbubuntis, ‘Mind Your Own Business!’