in

Kate Jagdon kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Miss U PH 2021 Beatrice Luigi Gomez

Kumpirmado na nga ang hiwalayan nina Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez at kanyang longtime partner na si Kate Jagdon.

Tinapos na ni Kate ang usap-usapan tungkol sa napapabalitang breakup nila ni Bea nitong mga nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng Instagram Story ngayong Martes, November 23, 2021, kinumpirma ni Kate na hiwalay na sila ni Bea.

“These past few weeks have been the most difficult time of my personal life. It was a conscious decision to keep quiet, after all this is a personal matter and I chose my privacy above everything else,” panimula ni Kate.

“I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation. This statement will be short before rumors and falsifications get out of hand.

“Bea and I parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more,” saad pa nito.

Nagpasalamat naman si Kate sa kanyang pamilya at mga kaibigan na nanatili sa kanyang tabi para damayan siya.

“I can’t thank my family and friends enough for holding my hand during this difficult time and I know you will continue to do so as I take the road to healing.

“We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey.”

Sa huli ay privacy ang hinihing ng international DJ para sa mga panahon na ito. Aniya, “At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you.”

Tumagal ng higit anim na taon ang relasyon nina Kate at Bea.

Samantala, binura na ni Kate sa kanyang Instagram account ang mga picture nila ni Bea.

Burado na rin sa Instagram account ni Bea ang mga larawan nila ni Kate.

Lian Paz pursigidong asikasuhin ang annulment case nila ng dating mister na si Paolo Contis

Ayon kay Lolit Solis, Bea Alonzo malapit na umanong mag-menopause