in

Kasalan na nga ba? Jennylyn Mercado at Dennis Trillo may ibabahaging good news sa kanilang mga fans

Magandang balita umano ang sorpresa ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang mga fans.

Talk of the town ngayon sina Jennylyn at Dennis. Ito ay matapos umugong ang balita na buntis umano ang aktres.

Kamakailan kasi ay umabas ang isang blind item sa entertainment website na PEP.ph. Kung saan sinabing “Buntis na uli… sikat na aktres papalitan na sa ginagawang serye, nagkaroon ng spotting sa taping

Sakto naman na napabalita na packed up ang taping ng seryeng Love. Die. Repeat nina Jennylyn at Xian Lim dahil nagkaroon nga diumano ng medical emergency kay Jennylyn.

Kaya naman hinala ng mrami ay si Jennylyn na nga ang nasa blind item. Nagdadalangtao na ang aktres at ang ama nga ay ang longtime boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Ito nga ba ang sinasabi nilang “good news” para sa kanilang mga fans and supporters?

Sa ngayon kasi ay tila tahimik ang magkasintahan ukol sa balitang ito. Ang nakita pa lang na post ni Jennylyn sa kanyang Facebook account ay ang eksena nila sa tini-tape na soap kaeksena si Xian.

Nasa caption nito; “Sometimes things get complicated. #LoveDieRepeat”

Sa Instagram naman niya ay nag-post lang siya na nagpa-facial sa Belo clinic, kaya may mga nagtatanong na akala raw nila ay nasa hospital siya, at kung buntis ba ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Pero mas marami ang natuwa kung totoo nga bang buntis, dahil dapat din naman daw na magkaroon na sila ng baby ni Dennis Trillo.

Parehas naman nang may anak ang dalawa sa kanilang previous partners na sina Patrick Garcia at Carlene Aguilar.

Kasunod nito lumabas din ang balitang very soon ay ikakasal na sina Jennylyn at Dennis.

Paolo Contis di na nakatiis, nakiusap na sa manager na si Lolit Solis na tigilan na ang pangbabatikos sa kanya

Girlfriend ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez buong puso ang binigay na suporta sa kanya