in

Kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nagaganap na daw ngayong araw

Usap-usapan ngayon sa social media ang nagaganap na kasalan ngayong araw nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Noon pa mang na-engaged sina Derek at Ellen ay inaabangan na ng marami kung kailan ang kanilang kasal.

May mga lumabas na balita na ngayong November nga magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa Facebook post naman ng page na Isyus ay tila kinumpirma na ngayong araw November 11 ang wedding date.

Ayon sa naasabing post, “Maaaars kasal daw ni Ellen at Derek ngayon?!
Na chismis lang ng mga ka marites natin sa IG kanina Di man lang nag imbita ha. Kahit shanghai lang kainin ko sana dun, solve na ko. Di naman ako mag babalot ng handa”

Makikita din sa IG Stories ng mga kaibigan nina Derek at Ellen na naghahanda na sila para sa big day ng magkasintahan.

Samantala, sa latest IG post naman ni Ellen ay nagbahagi siya ng larawan na tila nakasuot na ng wedding gown.

Sa comment section naman ng kanyang post ay makikita ang komento ni Derek na sobrang excited na.

Ani Derek, “Im sooooooooooooooooooooooooooooo lucky!!! I can’t wait”

Pati na din sa IG Stories ng kilalang bestfriend ni Ellen na si Beauty Gonzales ay makikitang flower girl ang kanyang anak na si Olivia.

Kaya naman marami na ngayon ang nag-aabang sa mga ibabahaging wedding photos ng newly wed na sina Derek at Ellen.

 

Makitid na 2-Story house viral ngayon sa social media dahil sa kakaibang disenyo nito

Cristy Fermin muli na namang pinasaringan si Nadine Lustre, sinabing hindi niya pinapanood ang mga palabas ng aktres