in

Karla Estrada ibinahaging na-stress na ang anak na si Daniel Padilla dahil sa pagpasok nila ni Rommel sa pulitika

Super stress na daw ngayon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla dahil sa kanyang mga magulang.

Natatawang ibinahagi ni Karla Estrada na nai-stress ang anak niyang si Daniel. Dahil sa pagpasok sa pulitika ng mga magulang nito.

Si Karla ay tumatakbong 3rd nominee sa Tingog Party List habang si Rommel Padilla naman ay tumatakbo ring Congressman ng 1st district ng Nueva Ecija ngayong 2022 elections.

Natanong kasi ni Ogie kung hindi ba nahihilo si Daniel sa kanilang dalawa ngayong pareho na silang pulitiko ng kanyang estranged husband at kung paano sila susuportahan ng aktor gayong magkalayo ang kanilang lokasyon kahit pa na pareho silang tumatakbo sa pagka-congressman.

“Na-stress siya. Di niya kinaya,” sabi Karla sa interview niya kay Ogie Diaz

“Di kasi, parang si Daniel, hangga’t maaari umiiwas siya sa usaping pulitika, tapos biglang, hindi man lang kapatid, talagang parehong magulang niya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon,” paliwanag pa ni Karla

Ayon pa nga kay Karla nasa ugat naman talaga raw ng mga Padilla ang pulitika noon pa.

Gayunpaman, ramdam pa rin naman daw n’ya ang suporta ng kanyang anak.

“Pero mabait kasi si DJ. Sa huli’t huli, iisa lang ang nanay niya, iisa lang ang tatay niya. Eh saan pa ba ang suporta? Eh di sa amin.

“Pero kung ako ang masusunod, okay naman ako na kahit hindi siya sa shadow ko dito sa pulitika or kahit wala siya sa tabi ko sa pulitikang ito. Kasi talagang paniwala naman ako na maniwala lang sa akin ‘yung mga tao na marunong akong tumulong, okay na ako du’n.

“Ngayon,‘pag nag-decide si DJ na ‘O ma, samahan kita diyan sa Tingog,’. Desisyon niya ’yun bilang anak,” pagbabahagi pa ni Karla.

Ivana Alawi isang milyong piso ang iniregalo sa kanyang ina para sa kaarawan nito

Diego Loyzaga ibinahaging si Barbie Imperial na ang nais niyang maging ina ng kanyang mga anak in the future