in

Karen Reyes nagbigay paalala sa kapwa niya mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang bunsong anak

Matapos ma0spital ang bunsong anak, nagbigay babala si Karen Reyes sa mga kapwa niya ina.

Sa kanyang Instagram post kamakailan ay ibinahagi ni Karen ang nangyari sa kanyang bunsong anak.

Sa kanyang mahabang caption ay inilahad ng dating aktres kung gaano kahirap ang magkasakit ngayon. Lalong lalo na ang mga babies.

Ani Karen, “November 4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang November 5 lunchtime, kumakain pa siya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums niya.So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako na singawin sabi ko mawawala din. So I gave him paracetamol lang for the fever.”

Kumunsulta naman daw agad siya sa doktor at nabigyan ng gamot si Lukas. Ngunit nahirapan din siyang painumin ito ng 6amot dahil walang laman ang sikmura nito.

“Nov 6 I’ve decided na ipa-teleconsult na siya so binigyan siya ng antibiotic. Ang hirap niya painumin dahil una, walang laman ang tiyan niya, pangalawa masakit ang bibig niya!” dagdag pa ni Karen.

Hanggang sa nakita niyang nahihirapan na talaga ang kanyang anak kaya naman nagdesisyon na siyang dalhin ito sa ospital.

Ngunit 24hrs. din silang nagintay sa resulta ng swabtest. Laking pasalamat na lang ni Karen ng lumabas na negative naman ang anak.

Nang maadmit na si Lukas ay doon na nila nalaman na nabalutan na ng singaw ang bibig ng bata.

Kaya naman sa huli ng kanyang post ay nagbigay babala si Karen sa mga kapwa niya mommies.

“Sa mga mommies out there, ‘wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang yan dahil pwede siya magspread sa bibig since it’s viral.”

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Cristy Fermin muli na namang pinasaringan si Nadine Lustre, sinabing hindi niya pinapanood ang mga palabas ng aktres

TikTok video nina Julia Barretto at Xian Lim na magkasama usap-usapan ngayon sa social media