in

Karen Davila binisita si Sen. Manny Pacquiao, nastar-struck sa kagwapuhan ng anak nitong si Jimuel

Tila namangha ang ABS-CBN News anchor na si Karen Davila sa kagwapuhan ni Jimuel Pacquiao.

Sa kanyang YouTube channel, itinampok ni Karen Davila ang kanyang naging panayam kay Sen. Manny Pacquiao.

Pinuntahan ni Karen si Pacquiao sa mansyon nito noong nakaraang Father’s Day. Namangha naman ito sa ganda ng disenyo ng mansyon ng mga Pacquiao.

Nang tanungin ni Karen kung sino ang nagdisenyo sa kanilang mansyon, ibinahagi ni Sen. Manny na ang kanyang asawa na si Jinky.

Ito daw umano ang namili ng lahat “Si Jinkee, Malaki rin ang binayaran ko,” saad nito.

Dagdag pa niya, “Sinabi ko sa kanya, Pumili ka na, ikaw na mag-design lahat niyan.” Naninirahan ang pamilyang Pacquiao sa mansyon na iyon mula pa noong 2011.

Ipinakita din ni Sen.Manny ang napakagandang opisina niya. Makatapos nito ay pinagkwentuhan nila ang buhay noon ng senador.

Nakausap din ni Karen maging ang mga anak nito at sinabi nila kung anong klaseng ama ang senador.

Nang makaharap nga ni Karen si Jimuel, maririnig na nagtanong si Jinkee na sino mas gwapo si Manny o si Jimuel.

Makikita naman na inaayos ng ama ang buhok ng kanyang binata.

Sabay lapit ni Karen at sinabing, “Ang gwapo naman nito, mestiso, sigurado ka bang anak mo to dear? Parang di ako sure.”

Sinabi pa ni Karen na mukha daw foreigner si Jimuel.

At nagtawanan na ang lahat dahil sa pagkamangha ni Karen sa kagwapuhan ng binata ni Sen. Manny at Jinkee.

Pabiro ding binanggit ni Karen na akala niya umano ay susuntukin siya ni Manny, iyon pala ay ipagluluto siya nito.

Matatandaang nauna na ring nilinaw ni Sen. Manny na hindi siya na-insulto sa naging tanong ng broadcast journalist sa kanya sa nag-viral na panayam kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa college degree ni Manny.

John Estrada naawa kay Willie Revillame, papautangin daw niya ito ng malaking halaga

Litrato ng mag-amang Erwan Heussaff at Baby Dahlia Amelie parang pinagbiyak na bunga!