in

Kapuso Aktres Na Si Lovi Poe, Makakasama Sa Isang Hollywood Film!

Sino nga ba ang hindi papangarapin na makasama sa Hollywood films?

Kilala ang Hollywood sa mga nag gagalingang aktor at nag gagandahang films sa lahat ng genre. Kaya naman, isang karangalan talaga ang mapasama dito.

Kaya ganito na lamang ang galak at tuwa ng Kapuso star na si Lovi Poe dahil makakasama siya sa isang Hollywood movie.

Mismong ang Hollywood online news ang naglabas ng kumpirmasyon na may gagampanang karakter si Lovi sa isang upcoming film.

Magkakaroon ng partisipasyon ang aktres sa The Chelsea Cowboy. Ito ay tungkol sa kontrobersyal na buhay ni John Bindon (1943-1993).

Noong nabubuhay pa siya, si Bindon ay ang English actor na kinilala bilang isang “g4ngster” at may naging koneksyon sa London underworld.

Gagampanan naman ni Lovi ang isa sa pinakamalaking karakter sa The Cowboy Chelsea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Bibigyang karakter niya si Dana Gillespie, isang British blue singer. Siya ang naging dahilan kung bakit nakilala ni Bindon ang naglalakihang tao noon kasama na si Princess Margaret.

Si Dana, 72-year-old singer-actress, ang original Mary Magdalene sa unang London production ng Jesus Christ Superstar, ang musical play nina Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, noong 1972.

Bukod pa dito, makakasama din ni Lovi ang ilang mga sikat na Hollywood actors tulad na lamang ni Alex Pettyfer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Ang direktor naman ng natirang pelikula ay si Ben Cookson.

Sa kabilang banda, masayang ibinahagi ito ni Lovi sa kanyang Instagram post.

“Aaaah….can’t wait to start filming The Chelsea Cowboy in October.

“The film is a biopic based on the life of actor, gangster and lothario John Bindon. I’ll be playing blues British singer Dana Gillespie!” saad ng aktres.

Congratulations, Lovi!

Babaeng bumihag sa puso ni Makisig Morales na si Nicole Joson kilalanin!

Nadine Lustre masayang nagagawang mamuhay ng simple sa Siargao na umani ng papuri sa mga netizens