in

Kapuso actress na si Andrea Torres excited ng makatrabaho si John Lloyd Cruz

Hindi na makahintay ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa posibleng pagtatambal nila ni John Lloyd Cruz.

Muling pumirma si Andrea ng kanyang kontrata sa GMA Network kahapon, July 16.

Taong 2008 nang magsimula ang career ni Andrea sa Kapuso at grateful umano ang aktres sa labingtatlong taon na ito.

Aniya ramdam daw niya ang pagmamahal at pag-aalaga ng network sa kanya simula pa nung una.

Isa naman sa inaabang na proyektong gagawin ni Andrea ay ang pagtatambal nila ni John Llod sa isang sitcom.

Nauna na itong naipabalita nakaraang buwan ng sa Kapuso unang lumabas si John Lloyd matapos ang halos four years of showbiz hiatus.

Fan daw si Andrea ng matinee idol at isang karangalan para sa kanya ang makatrabaho ito. Pero wala pa daw confirmation ang nababalitang sitcom nila.

“Nagulat po and, s’yempre, natuwa. Kasi, he’s a brilliant actor at fan din ako n’ya,” pahayag ni Andrea.

“Sa mga interviews ko din lagi kong nababanggit [na] isa s’ya sa mga gusto kong makatrabaho. So, if ever po na matuloy, malaking honor ‘yon for me,” dagdag pa n’ya.

Ngunit ibinahagi ng aktres na wala pa daw talagang napaguuspan ukol sa sitcom na pinaplano.

“Wala pa po kasi akong nakukuhang announcement talaga from GMA regarding that. Talagang narinig ko lang po sa mga kuwento-kuwento, mga news.

“Mahirap pong i-claim, di ba?

“Palagi nga nilang sinasabi na kapag wala pang storycon, wala pang taping, mahirap i-claim, di ba? Pero happy po ako sa news na yun noong marinig ko siyempre.”

Pero kung siya daw ang masusunod saad ng aktres ay ipinapanalangin niya na matuloy ang project with John Lloyd.

Aniya, sobrang excited na siya na makatrabaho ang A-list actor dahil sigurado daw na marami siyang matutunan dito.

Melai Cantiveros binayaran ang upa sa bahay at electricity bills noon ng pamilya ni Francine Diaz

Sa gitna ng hiwalayan issue, Kylie Padilla hinangaan ng mga netizens dahil sa pagiging matatag nito