in

Kapuso actor na si Juancho Trivino inamin na nagtrabaho siya sa BPO companies nang magsimula ang lockdown nakaraang taon

Ibinahagi ni Juancho Trivino na pumasok siya sa isang BPO company ng mawalan ng trabaho nakaraang taon.

Marami din sa mga artista sa industriya ng showbiz ang nawalan ng pagkakakitaan ng magsimula ang pandemya.

Naapektuhan noon ang entertainment industry dahil mahigpit na ipinagbawal ang tapings at live shows para iwasan ang mass gathering.

At isa ang Kapuso actor na si Juancho Trivino na mainstay ng Unang Hirit ang pansamantalang nawalan din ng trabaho.

Kaya naman sa kanyang Instagram post kahapon Aug, 1, ay ibinahagi ni Juancho ang naging trabaho niya nakaraang taon.

Sinabi niyang nag-apply siya sa ilang kumpanya hanggang sa natanggap siya bilang project manager sa isang BPO company.

“A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic last year, when we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company.

“I actually did send out my resume to a couple of companies that was hiring during that time.

“It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did.”

Aniya, “They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag tagal (but thats another story).”

Malaki raw ang naitulong ng suweldo niya para sa expenses ng kanyang pamilya.

Samantala, nag-reply sa comments section ang misis ng aktor na si Joyce Pring at ipinagmalaki ang sipag ni Juancho bilang padre de pamilya.

Iñigo Pascual binilhan ng farm ang kanyang lolo, ibinahagi kung paano nakamit ang pangarap na ito

Gretchen Barretto at Atong Ang spotted na magkasamang muli sa isang sabungan, video nila viral ngayon