in

Kapatid ni Antonette Gail Del Rosario pinasinungalingan ang mga pahayag niya sa programa ni Raffy Tulfo

Nagkalabasan na ng mga lihim ang pamilya ng girlfriend ng vlogger na si Whamos Cruz.

Nagsimula sa nais ng nanay ni Antonette Gail Del Rosario na mabawi siya sa poder ng nobyong si Whamos.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng ina ni Antonette na si Dolly Gail Del Rosario na nais niyang bawiin ang anak. Nabunyag din na menor de edad pa pala itong si Antonette.

Agad namang nag komento dito si Antonette at sinabing hindi alam ng kanyang ina ang tunay na dahilan. Na kung bakit ayaw na niyang bumalik sa kanila.

At kahapon nga lamang ay dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang ina ni Antonette.

At dito ay sinabi na ng dalaga ang tunay na dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik pa sa bahay ng kanyang ina.

Ito ay dahil min0m0lestiya umano siya ng kanyang amain. Ilang taon daw niyang kinimkim ito at ayaw sana niyang ilabas sa publiko. Everytime daw na lumalayas siya sa kanila ay ito ang dahilan niya.

Kaya naman kinampihan siya ni Idol Raffy at pinayuhan na ‘wag na talaga siyang umuwi sa kanila.

Ngunit parang pinabulaanan pa ni Dolly ang mga pahayag ng kanyang anak. At ganun din ang kapatid ni Antonette.

Sa kanyang Facebook post ay pinasinungalingan nito ang mga naging pahayag ng kanyang kapatid.

Sinabi nito na ang tinatawag niyang “daddy” ang bumuhay sa kanila nung iwan sila ng kanilang tunay na ama.

Strategy lang umano ito ng kampo ni Whamos para malusutan ang kanilang mga kamalian.

Sa isa pa niyang post ay ang kapatid nilang kasama ni Antonette naman ang tinirada ni Angela Gail.

Sinabi nitong hindi si Emma ang legal guardian ni Antonette at kunsintidora umano ito.

Narito ang kanyang pahayag:

Cristy Fermin binawi ang unang pahayag, kinumpirma ng sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video

Heaven Peralejo piniling unahin muna ang sarili sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap