in

Kapamilya actress na si Riva Quenery lubos ang kasiyahang nadarama ng isilang na ang kanyang anak

Nanganak na ang actress, vlogger na si Riva Quenery sa first baby nila ng partner niyang si Vern Ong.

Ito ang masayang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram stories ngayong araw. Ayon sa ilang report isinilang ni Riva ang kanilang baby Athena noong October 12.

Bagama’t walang pang official post si Riva tungkol sa kanyang sucessful delivery. Makikita sa kanyang mga IG stories na nagce-celebrate na ang kanilang buong pamilya sa pagdating ni Baby Athena.

Sa unang post niya ay makikita ang kanyang partner na si Vern Ong na may hawak na bulaklak at white teddy bear na may pink ribbon. Habang nakatapat sa kanilang baby.

Sa sumunod naman na litrato ay makikita ang larawan ng kanyang pamilya na may inihandang cake at pancit. Mababasa sa message ng cake ang “Happy Bornday Baby Athena”

Matatandaan na nito lamang May ng kasalukuyang taon inanunsyo ni Riva ang kanyang pagbubuntis.

Aniya sa kanyang IG post noon, “The butterflies he used to give me turned into tiny feet.” Kalakip ang litrato nila ni Vern na hawak ang ultrasound photo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

Dalawang beses din nagdaos ng kanyang baby shower si Riva. Ang una ay ang surprise baby shower ng mga co-star niya sa The House Arrest of Us .

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

At sumunod naman nito ay ipinost ni Riva ang mga larawan sa panglawang pagdiriwang. Na ginanap sa studio na pagmamay-ari ni Kathryn Bernardo sa Quezon City.

“A shower of blessings, joy, and love!” saad ni Riva sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

Yassi Pressman enjoy na enjoy sa buhay probinsya sa napakagandang isla ng Siargao

Video clip nina Jeric Raval at anak niyang si Vanessa Raval kinagigiliwan ngayon sa social media