in

Kapamilya actor na si Enzo Pineda graduate na ngayon bilang isang Navy reservist

Proud na ibinahagi ni Enzo Pineda na natapos na niya ang kanyang Citizen Military Course bilang isang Navy reservist.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Enzo na nakamit na niya ang kanyang pangarap na makapagsilbi sa bayan.

Kalakip nito ay ang mga litrato sa araw ng kanyang graduation bilang isang Army Reservist. Kasama ang kanyang mga magulang at ang kasintahang si Michelle Vito.

Saad ni Enzo sa kanyang caption, “It’s always been a dream of mine to serve our country and join the military. By far this is one of the toughest challenges I’ve ever done in my life. I thank God for giving me and my batchmates the strength and resilience to finish the course. I also thank my family for their support and for always inspiring me to become better. I’m excited for the new adventures that this path awaits me. SSgt Pineda reporting for duty.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda)

At bilang supportive girlfriend ay nagpost din si Michelle sa kanyang IG bilang pagbati sa pagtatapos ng kanyang nobyo.

Aniya, “9.16 // Congratulations to our enzo. we are so proud.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Vito (@michellevito)

Ni-repost naman ito ni Enzo sa kanyang Instagram Stories kung saan nagpasalamat siya sa suporta ng girlfriend. Aniya sa caption, “THANK YOU MAHAL KO.”

Marami din sa mga kaibigan ni Enzo sa industriya ang bumati sa kanyang bagong achievement.

Isa na dito ay ang co-StarStruck alumnus at Navy reservist niya ding si Rocco Nacino.

Mensahe ni Rocco, “Snappy salute brother!! Proud of you!!!”

Sagot ni Enzo, “@nacinorocco thank you bro for encouraging me. Snappy salute to you also brother!”

 

Ayon kay Cristy Fermin, John Lloyd Cruz hindi na tuloy sa GMA, hindi nagkasundo sa TF

Vice Ganda pinasaringan si Ate Gay tungkol sa 20K na tulong na ibinigay niya dito