in

Kantang ‘You Betrayed Me (Traitor)’ sa IG stories ni Axel Torres para nga ba kay AJ Raval?

Mukhang natraydor ang pakiramdam ngayon ng dating PBB Housemate na si  Axel Torres.

Sunod sunod nga ang cryptic post ni Axel sa kanyang social media accounts. Ito ay matapos maging hot topic ang pag amin ng dati niyang nobyang si AJ Raval.

Na nililigawan na siya ni Aljur Abrenica at nasa getting to know each other na sila.

Kahapon, malaman ang Instagram post ni Axel tungkol sa pait ng pakiramdam na may iba na ang taong minamahal mo.

Saad niya sa caption: “Right now, i’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person that she told me not to worry about but it’s alright.”

Mula iyon sa lyrics ng kantang “Numb” ni Christian Gates.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Axel (@axe1torres)

Wala mang direktang pangalan sinabi ang binata ay marami ang nagsasabing si AJ raw ang tinutukoy ng aktor.

Samantala sa kanyang namang IG Stories ay ang kantang ‘You Betrayed Me (Traitor)’ naman ang ginamit ni Axel.

Kalakip nito ay ilang larawan ng isang babae pero tinakpan niya ang mukha nito. Pero malinaw naman na si AJ ang babaeng nasa litrato.

Tila idinaan ni Axel sa kanta ang kanyang nararamdaman para sa dating nobya. May 24, 2021 nang unang aminin ni AJ ang tungkol sa relasyon nila ni Axel.

Pero noong August 5, 2021, ibinahagi ng aktres na hiwalay na sila ni Axel.

“Yes po, nagkaroon po kami ng relasyon ni Axel. Pero wala na rin po kami ngayon. Nag-break po kami,” saad ni AJ.

Saad pa nito, isa sa mga dahilan ng kanilang break up ay dahil hindi gusto ng binata ang ginagawang pagpapa-sexy ng aktres.

AJ Raval dedma sa mga bashers, ibinahagi ang style ng panliligaw sa kanya ni Aljur Abrenica

Video noon ni Aljur Abrenica na nagsasabing ayaw niyang mahiwalay kay Kylie Padilla binalikan ng mga netizens