in

Kaibigan ni Eric Fructuoso binigyan siya ng pera sa pag-aakalang bumabyahe na lang siya ng tricycle

Sa oras ng kagipitan doon mo talaga makikilala ang iyong tunay na kaibigan.

Ito ang nangyari sa aktor na si Eric Fructuoso.

Matatandaan na nakaraang taon ay nag-viral ang litrato ng aktor habang minamaneho niya ang isang tricycle.

Sa larawang iyon, na ipinost ni Eric noong August 11, 2020, ganito ang caption ng aktor: “Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!”

Bunsod nito, may mga nakumbinsing namamasada ng tricycle ang aktor ngayong may pandemya.

At nito lamang nakaraan sa panayam ng aktor kay Ogie Diaz. Ibinahagi ni Eric na may isang kaibigan siya from showbiz na binigyan siya ng twenty thousand.

Ito ay dahil nga sa pag-aakalang namamasada na lamang siya ng tricycle ng mga panahon na iyon.

Hindi niya binanggit kung sinong taga-showbiz ang nagbigay sa kanya ng P20,000. Bilang tulong dahil nabalitaan nitong walang-wala at nagtatraysikel na lang siya dahil sa kanyang viral photos.

Tinanggihan daw ni Eric ang tulong pero nu’ng mag-text ay pinakukuha na ito. Sa isang remittance company kaya wala na siyang magawa kundi magpasalamat.

“Ginawa ko, ‘yung 10,000 ibinigay ko sa nanay ng mga anak ko, sabi ko ito muna ang kaya kong ibigay, hintayin mo muna akong makabawi. Tapos ‘yung P5,000 ibinigay ko sa nanay ko kasi nakikitira nga ako sa kanya sa Cavite, kaya inabot ko sabi ko pasensya na muna. Tapos ‘yung natirang P5,000, ‘yun nga ‘yung sinimulan ko, pinalago ko,” kuwento ng aktor

Ilang buwan lamang, napalago niya ang perang hindi niya winaldas na siyang pinangsimula niya ng isa pang pagkakakitaan at ito ay ang kanyang food business na ‘Gwapigs.’

Panoorin dito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Eric:

Eric Fructuoso labis ang pasasalamat sa tulong na ibinigay noon sa kanya ni Mark Herras

Kabatch noon ni Bianca Umali na si Isabel Frial o mas kilalang Lenlen ng Tropang Potchi dalaga na ngayon