in

Kabatch noon ni Bianca Umali na si Isabel Frial o mas kilalang Lenlen ng Tropang Potchi dalaga na ngayon

Child star no more!

Isa sa mga pinaka-cute na child stars noon ay ang ‘Tropang Potchi’ star na si Isabel Frial na nakilala sa pangalang “Lenlen.”

Tuwang tuwa ang mga manonood noon kay Isabel dahil sa kanyang chubby cheeks at singkit na mga mata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Frial (@isabelfrial05)

Hanggang ngayon ay patuloy na lumalabas si Isabel sa telebisyon. Huli siyang natunghayan sa kinagiliwang GMA primetime series na ‘First Yaya’ kung saan gumanap siya bilang Lisa.

Bukod sa ‘Tropang Potchi,’ napanood din si Isabel, ngayo’y 16, sa GMA shows na ‘Bantatay,’ ‘Futbolilits,’ Alice Bungisngis and Her Wonder Walis,’ ‘Paroa: Ang Kwento ni Mariposa,’ ‘Legacy,’ at iba pa.

Napanood din si Isabel bilang Gelay sa pelikulang ‘Ang Panday 2’ ng GMA Films, kung saan nakasama niya ang mga bigating artista tulad nina Bong Revilla, Eddie Garcia, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Alice Dixson, Philip Salvador, Iza Calzado, Lucy Torres, at Alden Richards.

Kamakailan nga lamang ay napa-wow ang mga netizens ng mapansin na dalagang dalaga na si Isabel.

Ito ay nag mag-post siya ng video sa TikTok kung saan binalikan niya ang kanyang childhood picture.

@charbel1028#GreenScreenScan♬ original sound – Andy G

Mula sa cute chubby little girl noon ay makikita ang laki ng pinagbago ng pangangatawan ngayon ni Isabel.

Malaki na din ang nabawas sa kanyang timbang at syempre bilang dalaga na ay marunong na siyang mag makeup.

Sa kanyang IG photos makikitang napaka cute pa din ni Isabel. Ilan sa mga hobbies ni Isabel ang pagkanta at pagme-makeup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Frial (@isabelfrial05)

Sa next school year ay senior high school na ang dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Frial (@isabelfrial05)

Kaibigan ni Eric Fructuoso binigyan siya ng pera sa pag-aakalang bumabyahe na lang siya ng tricycle

Andi Eigenmann muling ipinasilip ang kasimplehan ng buhay niya sa Siargao, nagharvest ng kamote para sa kanilang mini picnic