in

Juliana Parizcova usap-usapan ngayon dahil sa trending parody niya sa video ni Angelica Panganiban

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang Parody ni Juliana Parizcova sa video ng aktres na si Angelica Panganiban.

Kamakailan lang unang nagpayo si Angelica sa mga botante, na sinabing huwag suportahan ang mga magnan4kaw at mambubud0l sa haIaIan.

Ang naturang video ni Angelica ay bahagi ng PSA (public service announcement) ng Young Public Servants.

Sa mensahe ni Angelica sa kanyang video saad niya, “Sa ganda kong ‘to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It’s not worth it! I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko. Ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw.”

Aniya pa, dapat umanong alamin at tingnan ang character references. At pati na din ang educational background.

Makatapos mag-viral ng video na iyon ni Angelica, ay mas naging usap-usapan ang parody dito ni Juliana.

Pebrero 2, Miyerkules, ay lumabas ang “Ingat Sa Mga Pa-Victim” parody ni Juliana kay Angelica sa Facebook page ng VinCentiments. Kung saan pinapataaman niya ang isa umanong ‘pa-victim’ at ‘nagmamalinis’.

Lahat ng sinabi ni Angelica sa video niya ay sinalungat naman ni Juliana sa kanyang parody. Kung si Angelica ay nagkakape, si Juliana ay umiinom ng Red Horse beer.

Wala mang binanggit na mga pangalan sa video nina Angelica at Juliana ay naging dahilan ito ng barda6ulan na naman. Ng mga supporters ng mga aspiring presidents.

May ilan pa ngang nagsabi na hindi naman daw magka-level sina Angelica at Juliana.

Melai Cantiveros pinatawad na ang netizen na lumait sa kanyang anak at ibinahagi ang kanilang naging usapan

Barbie Imperial aminadong hindi marunong sumayaw kaya natanggal sa GirlTrends