in

Julia Montes napuri ni Sharon Cuneta na pinagmulan ng batikos mula sa mga netizens

Umani ng samut-saring reaksyon mula sa netizens ang naging pahayag ni Sharon Cuneta tungkol kay Julia Montes.

Puno ng papuri si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang co-star na si Julia Montes.

Bukod umano sa pagiging magaling na artista ni Julia, nakita ni Sharon na pareho sila ng ugali sa totoong buhay.

Sa kanyang Instagram post kamakailan ay inilahad ito ng multi awarded actress.

Aniya, “Sa lahat ng nakasama kong mas mga batang artista sa more than 60 movies ko, si Julia Montes ang nakita kong pinakapareho ko sa tunay na buhay. Bungisngis, malambing, mabait. At magaling na artista. Love this girl! @montesjulia08”

Kalakip nito ay ang larawan nila ni Julia na magkayakap at napakalaki ng ngiti sa mga labi.

Matapos mag viral ng post na ito ni Mega ay naging topic naman ito ni Cristy Fermin sa kanyang programa.

Ayon sa batikang kolumnista ay marami umanong hindi naging sang-ayon sa naging pahayag ni Sharon.

Nabatikos daw si Julia at ayon pa kay Cristy ay negative ang mga reaksyon ng publiko. Hindi daw dapat inihalintulad ni Sharon si Julia sa kanyang sarili.

Hindi daw sinungaling si Mega at agad nitong inamin ang pagbubuntis niya noon. Kumpara kay Julia na hanggang ngayon daw ay itinatago pa din ang katotohanan.

Dagdag pa daw na hanggang ngayon ay hindi pa din inaamin nina Coco at Julia ang kanilang tunay na relasyon. Gayung alam naman na ng publiko ang tunay nilang ugnayan.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy ukol dito:

Partner ni Brenda Mage na si Kelvin Simbulan nagselos, tinawag na bakla si Eian Rances

Diretsong nasupalpal ni Nadine sa twitter ang isang basher na duda sa concern niya sa mga apektado ng bagyong odette!