in

Julia Montes inumpisahan na ang training para sa ‘Ang Probinsyano’ video ng kanyang stunt viral na

Inumpisahan na ni Julia Montes ang paghahanda niya sa pagpasok sa seryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Muling pinahanga ni Julia Montes ang kanyang mga fans sa paglabas ng kanyang video

Kung saan kita ang pagte-training niya ng action stunts.

Para sa serye ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Sa Instagram, viral ang video kung saan kita ang sabayang pagte-training nina Julia at Coco ng stunts na kakailanganin nila para sa mga maaaksiyon na eksena para sa serye ng ABS-CBN.

Kitang kita sa nasabing video ang puspusang pageensayo ng aktres para sa gagampanan niyang role sa serye.

Kinaaliwan din ng mga fans nina Coco at Julia ang video clip kung saan makikitang si Coco mismo ang nagtuturo kay Julia.

Ng mga tamang posisyon sa mga action scenes na gagawin nila.

Sa ngayon ay puspusan na ang paghahanda ni Julia para sa muli niyang pagbabalik sa telebisyon.

Maliban sa target shooting, sumabak na rin sa motorcycle training si Julia kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Bago pa ang motorcyle training ni Julia ay ibinahagi din niya kamakailan ang kanyang firing skills.

“Never mess with the woman whose aim is better than her temper”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Madaming netizens naman ang exited na sa pagbabalik ni Julia. Maging ang ilang celebrity friends ng aktres ay hindi na rin makapaghintay.

Ellen Adarna magdedemanda dahil sa paglabag sa health protocols ng mga nakatrabaho

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz ipinamalas ang galing nila sa pagrampa sa Miss Universe PH runway challenge