in

Julia Barretto umani ng papuri ng tulungan ang nobyong si Gerald Anderson na maglinis ng gym nito

Very supportive girlfriend ang peg ni Julia Barretto ng tulungan nitong linisin ang gym ng nobyong si Gerald Anderson.

Muling nakasama ni Gerald ang kasintahang si Julia sa kanyang latest vlog. Kung saan ipinakita nila ang paglilinis ng pagmamay-ari niyang gym.

Ang “The Th3rd Floor” na matatagpuan sa Quezon City.

“Nandito kami ngayon dahil tapos na ang renovation, construction, sa paglagay ng equipment. At dahil sa maraming trabahong naganap, maalikabok,” saad ni Gerald sa simula ng kanilang video.

“Maglilinis kami para malinis, disinfected, safe, fresh. Para ‘pag ginamit niyo, ‘di ba, fresh na siya and ready to go,” dagdag pa ng aktor.

Habang minumwestra nito ang mga kailangan nilang gawing paglilinis sa araw na iyon.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nagpakita na si Julia sa vlog, at tumulong sa paglilinis ng kanyang nobyo.

“Ano ‘to, free labor kasi out of love ‘to,” turan ng aktres.

Agad namang umani ng papuri si Julia mula sa kanilang mga fans. Very supportive daw kasi ang dalaga sa mga ginagawa ni Gerald.

Pati na din ang pagiging hands-on ni Gerald sa kanyang mga negosyo ay pinapurihan ng marami.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“I’m amazed Julia joined in she’s really a trooper; that’s how relationships work team player!”

“Grabe si Gerald cya talaga ang gumagawa ng deep cleaning nila sa Gym. So carefuly done.”

“Wow ang linis nakakAtuwa c juls sexy niya gerald ingatan mo c juls mahalin mo cya at habang buhay very supportive sayo.”

“Paano ka naman di maiinlove kay Julia, tingnan nyo, hindi nya ginagawa sa bahay nila, dito enjoy na enjoy sa paglilinis naka paa pa yan ha!. Pag inlove ka lahat gagawin mo. See, what love can do”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

LJ Reyes kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Paolo Contis, emosyonal sa panayam kay Boy Abunda

Mygz Molino ipinakita ang pagpapahalaga kay Mahal, hindi iniwan ang komedyana hanggang sa huling hininga nito