in

Julia Barretto tinulungan si Gerald Anderson sa pag repack ng mga relief goods

Kamakailan ay may inihandang tulong ang aktor na si Gerald Anderson.

Ito ay para sa mga mangingisda sa Zambales.

Ibinahagi ni Gerald ang proseso ng pagaayos niya sa mga relief goods sa kanyang vlog.

At syempre kasama niya dito ang kanyang kasintahang si Julia Barretto.

Dito ay pinatunayan ng magkasintahan ang tila kasabihang magkasama sa hirap at ginhawa.

Sa nasabing vlog, makikita na tinutulungan ni Julia si Gerald sa pagre-repack ng mga relief goods.

Ilan sa mga kasama sa kanilang food packs na makikitang inaayos ni Julia ay bigas, kape, delata, at kung anu ano pa.

Hindi lang puro sa kulitan at lambingan makikitang magkasama ang magkasintahan.

Kundi pati na din sa mga seryosong lakad tulad nga ng donation drive na ito ng aktor.

Sa isang parte ng video, makikitang maraming bigas ang deliver sa resort ng aktor.

Oohh, rice galore, maririnig naman na reaksyon ni Julia.

Hindi ito ang unang beses na nakasama si Julia sa mga donation drive ng nobyo.

Matatandaan nakaraang buwan ay nakita rin silang magkasamang namimigay ng tulong.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ni Gerald ng kanyang kaarawan.

Samantala, sa nasabing vlog ay binisita din ni Gerald ang Coast Guard Sub-Station.

Kung saan ay tumanggap siya ng “Certificate of Appreciation” for “providing support.”

Agad namang umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens ang nasabing video ni Gerald.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“No wonder Julia said “YOU MAKE ME PROUD EVERYDAY LOVE”

“Good job Gerald and Julia. Thank you for helping those people na nangangailangan. Stay blessed!”

“Sana kasalan na yan para super happy na kami Gerald and Julia ..more vlogs together with your beautiful gf”

“Infairness mas hiyang si Gerald ky Julia”

Panoorin dito ang video ng magkasintahan:

Birthday Photoshoot Ni Camille Trinidad, Bongga Sa Mga Netizens!

Tunay na ugali ni Sarah Geronimo ibinunyag ng isang concert director