in

Julia Barretto social distancing muna sa kasintahang si Gerald Anderson

Tila kailangan munang lumayo sa isa’t-isa ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto.

Magmula nang aminin sa publiko ang kanilang relasyon, patuloy na nga ang pagbibigay kilig nina Julia at Gerald.

Kamakailan nga lang ay ibinahagi nila ang kanilang couple workout sa vlog ni Gerald.

Kung saan naging personal trainor ni Julia ang kanyang boyfriend.

Makikita din na laging full support si Julia sa mga ginagawa ng kanyang nobyo.

Mula sa pamamahagi nito ng tulong sa mga kababayan sa Zambales at pati na din sa paggawa ng video sa YouTube.

Napansin din ng marami na tila sa resort na pagma-may ari ni Gerald na madalas namamalagi ang dalaga.

Sa mga video nila doon ay ipinagluluto at pinagsisilbihan ni Julia si Gerald na tila para na silang mag-asawa.

Ngunit kamakailan lang ay napabalitang sasabak na sa lock-in taping ang aktres para sa kanyang bagong proyekto.

Kaya naman magkakahiwalay muna sila pansamantala ng kanyang “love.”

At tila kaugnay nga ito ng litratong ipinost ni Julia sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing larawan ay makikitang magkalayo ang magkasintahan.

Sa caption ni Julia saad nito, “Social Distancing with heart emoji.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Hinuha ng marami ay tila dinalaw daw ni Gerald si Julia sa kanyang lock-in taping.

Agad namang inulan ng maraming komento ang nasabing post ng aktres.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

“Daming paandar ng nega couple. Naks!”

“Social distancing pero mag ka-akap sa pag angkas”

“Etong mga ganitong relationship na puro social media lahat ng galawan, you’ll question talaga if they TRULY happy w/ each other.”

“Social distancing pero hindi naman nakamask.”

“Post lang ng post hanggang sa maging ok kayo sa mata ng tao”

Anong masasabi mo dito?

Newlywed couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing bumili ng lote sa Tagaytay para sa kanilang future Casa Nacino

Rufa Mae Quinto ibinahagi ang hirap na pinagdaanan ng mamuhay siya sa Amerika