in

Julia Barretto sinundan ang yapak ng nobyong si Gerald Anderson, miyembro na din ng PCG

Si Julia Barretto ang pinakabagong miyembro ng Philippine Coast Guard AUXILIARY K9 SQUADRON!

Sa isang online post, ay winelcome ng PCG ang aktres sa hanay nito, kung saan ay pinangunahan ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. ang oath-taking ceremonies ni Auxiliary Ensign Barretto.

“The Philippine Coast Guard PCG) has welcomed AUXILIARY ENSIGN JULIA BARRETTO in the PCG Auxiliary K9 Squadron on 01 September 2021,” saad sa nasabing post.

Kalakip nito ay ang mga litrato ng mga bagong miyembro ng PCG. Nakasuot na din ng uniform si Julia sa nasabing mga litrato.

Present din  doon ang kanyang nobyo na si Gerald Anderson na mataas na ang katungkulan sa PCG. Isa na itong auxiliary lieutenant commander ng PCGA K9 Squadron.

Sa boluntaryong pagiging miyembro ni Julia, inaasahan na magbibigay ang aktres ng suporta sa PCGA sa kahit anong paraan kagaya ng pagbibigay ng karagdagang resources.

Bilang most senior appointee, ay nabigyan si Julia ng oporunidad na magsalita para sa kaniyang kapwa PCGA members.

Pinasalamatan ni Julia ang PCG dahil sa pag-welcome nito sa kaniya sa larangan ng pagseserbisyo publiko.

Nangako naman ang aktres na aktibo nitong susuportahan ang mga inisyatibo ng unit. Sa pamamagitan ng humble at compassionate service sa mamamayang Pilipino.

Sa kanyang Instagram post ay proud na ibinahagi din ni Julia ang mga litratong kuha sa oath taking.

Highlighted dito ay nang si Gerald na ang maglalagay ng pin sa kanyang uniporme.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Marami naman sa kanilang taga-hanga ang proud kay Julia. Ngunit may ilan din namang nagsabi na sunud-sunuran na lang ang dalaga sa mga ginagawa ni Gerald.

Ikaw anong say mo dito?

Mygz Molino ipinakita ang pagpapahalaga kay Mahal, hindi iniwan ang komedyana hanggang sa huling hininga nito

Mura hindi makapaniwala at labis ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng kaibigang si Mahal