in

Julia Barretto pinaghihinalaang buntis dahil sa baby video na ipinost ni Gerald Anderson sa kanyang IG

“Is julia pregnant?”

Ito ang tanong ng mga netizens sa latest video upload ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram account.

Naging palaisipan kasi sa fans ng magkasintahang Gerald at Julia Barretto ang nasabing video. Dahil mga babies ang makikita roon.

May video caption pa nga na “My son meeting his baby sister for the first time”. Makikita sa video na naging emosyonal ang baby boy ng hawak hawak na nito ang kanyang baby sister.

Niyakap pa nga ni baby boy ang kanyang kapatid nang sabihin ng kanilang mga magulang na pwede niya itong kausapin.

Agad naman umagaw ng atensyon ang video na ito ni Gerald at agad ding nabigyan ng ibang kahulugan.

May mga nagsabi na baka buntis na nga si Julia at naghahanda na si Gerald maging ama kaya baby videos na ang ibinabahagi nito sa kanyang account.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Soon??? Or sooner?”

“Hmm may pahiwatig”

“Ohhhh we know where this is going”

“Is julia pregnant?”

“Sana mag ka baby na kayo ni @juliabarretto”

“awww Julia is pregnant guys”

“On the way na si Julia yessir!!!!”

Sa ngayon ay wala namang reaksyon si Gerald at maging si Julia sa mga katanungang ito ng mga netizens.

So, let’s wait and see na lang!

Cristy Fermin tinawag na “epal” ang tatay ni James Reid dahil sa Instagram post nito!

Ina Raymundo nanggalaiti sa vlogger na nag-edit ng larawan kasama ang kanyang dalagang anak sa kama