in

JOSHVANA? Joshua Garcia handang “jowain” si Ivana Alawi!

Kilig overload! Joshua Garcia willing jowain si Ivana Alawi!

Muli na namang kinilig ang mga netizens lalo na ang mga tagasuporta ni Joshua Garcia at Ivana Alawi.

Sa naging vlog noon ng female vlogger, walang hiya-hiya niyang sinabi at inamin na crush niya ang aktor na si Joshua Garcia. Marami ang kinilig dito dahil may chemistry daw ang dalawa.

Payag na payag din ang mga fans ni Ivana dahil gwapo at very caring umano si Joshua. Ganoon din ang mga fans ng former PBB housemate sa dalaga.

Sa mga nakalipas na interview nila noon, parehas nilang inamin na nagkakausap sila minsan sa Instagram dahil nag rereactan daw silang dalawa.

Ngayon naman, sa naging virtual interview ng Kapamilya actor kasama si Darla at Alora, hindi nakaligtas sa katanugan ang aktor na may kaugnayan kay Ivana.

Diretsahang tanong ni Alora, “Si Ivana, jojowain o totropahin?”

Walang pag-aalinlangang sagot ni Joshua: “Syempre jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba?”

Sabay banggit sa mga katangian ni Ivana, “Mabait ‘diba? Maganda…”

Agad na umani ng maraming reaksyon ang naging sagot na ito ni Joshua sa social media.

Is another ship sailing na nga ba, JoshVana?

Asingan Pulis hindi raw nila “ikinul0ng” si Lolo Nardo, ibinida ang higaan umano na ginamit ng matanda

Vice Ganda may patama kay Lolit Solis matapos ang post nito tungkol sa kanya: “Ang pangit ng Marites”