in

Jose Hallorina, Muling Nag Upload Ng Vlog Kasama Ang Pumunaw Na Lola Ni Donnalyn Bartolome!

Muli na namang lumikha ng ingay ang vlogger na si Jose Hallorina sa social media!

Ito ay matapos mag upload ng bagong vlog sa kanyang YouTube channel si Jose. Kasama niya dito ang pumanaw na lola ni Donnalyn Bartolome na si Nanay Josie.

Matatandaan na naging issue sa social media nang mag upload si Jose ng video kung saan nakita niya sa lansangan si Nanay Josie.

Ayon naman sa kanya, gusto niya lamang tulungan ang matanda dahil wala na itong tinutuluyang maayos na bahay. Depensa naman ng ina ni Donna at ng vlogger, malaki ang naitulong nila kay Nanay Josie.

Ngayon naman, muling nag iingay sa YouTube si Jose nang mag upload siya ng panibagong vlog kasama si Nanay Josie.

Sa nasabing “one-on-one interview” niya kay Nanay Josie, nag kwento ito ng mga naging karanasan niya kasama ang pamilya ni Donna.

Ayon kay Nanay Josie, tumira daw siya noon kasama ang ina at maging si Donnalyn. Pero ayon sa kanya, sa garahe lamang daw siya natutulog.

Itinanggi niya din na binigyan siya ng 20,000 pesos ng ina ni Donna.

“Wag niyang sasabihin na panay panay siyang nagbibigay sakin ng pera. Itong sinusumbat mo sakin, Tonya, na binigyan mo ko ng puhunan,” giit ni Nanay Josie.

Dagdag pa niya, “Never akong nakatanggap sayo ng 20,000 ha. Alam mo yan. Hindi mo ko binigyan ng 20,000. Yung binigay mo sakin, 5,000 something lang.”

Taliwas ito sa mga naging depensa din noon nina Donna at ng kanyang ina.

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang side ni Donnalyn Bartolome tungkol dito. Pero ayon naman kay Jose, handa siyang makipaglaban sa kampo ni Donna at matulungan ang mga naiwan ni Nanay Josie.

Anong masasabi mo dito?

Coco Martin, Todo Ang Protekta Kay Julia Montes Sa Kanilang Taping Matapos Matumba Ang Motor Na Sinasakyan Ng Aktres!

Naaalala Niyo Pa Ba Si Tolits Ng Eat Bulaga? Eto Na Ang Kanyang Masayang Buhay Pamilya Ngayon.