in

Jomar Lovena magkakaroon na ng baby sa girlfriend na si Veybillyn Gorens!

Jomar Lovena, magiging daddy na!

Ito ang naging rebelasyon ng vlogger sa kanyang YouTube channel kahapon, September 17, 2021.

Sa kanyang latest uploaded vlog, ibinahagi ni Jomar ang isa sa mga masayang bagay na dumating sa kanyang buhay.

Si Jomar o kilala din sa tawag na Boss Killa ng kanyang mga taga suporta ay sumikat noon sa Facebook vines.

Naging love team din sila ni Sahzna Laparan sa YouTube noon.

At ngayon nga, magiging isang ama na ulit ang male vlogger sa kanyang nobyang si Veybillyn Gorens.

Si Veybillyn ay ang kapatid ng dating asawa ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens.

Sa nasabing vlog, inilantad ni Jomar na noong January pa nabuntis si Veybillyn. Pinili daw nila munang itago ito sa publiko para sa tahimik na pagbubuntis ng kanyang nobya.

Proud na proud naman si Jomar na nabiyayaan at nagbunga ang pagmamahala nila ni Veybillyn. Malapit na din daw nilang makita ang kanilang baby.

Ipinaliwanag din ng vlogger na itinago nila sa publiko ang pagbubuntis ni Veybillyn para umiwas sa mga isyu at “toxic” sa social media.

Bakas naman sa mukha ni Jomar ang saya na siya ay magkakaroon na ng supling sa kanyang minamahal.

Ibinahagi naman niya ang ilang mga larawan ni Veybillyn sa kanyang pagbubuntis.

Marami naman sa kanyang mga tagasuporta ang masaya para sa kanilang dalawa.

Congratulations, Veybillyn at Jomar!

 

Mygz Molino nakapunta na sa puntod ni Mahal kasama ang kanyang pamilya!

Ina, nakatanggap ng 1 milyon mula sa mga anak para sa kanyang kaarawan!