in

John Regala inalmahan ang mga pekeng balita ng pagkawala niya, nanawagan sa mga networks ng trabaho

Nanawagan muli ang beteranong aktor na si John Regala sa mga TV Netwroks na mabigyan siya ng trabaho.

Hindi man diretsahan, inaamin na ni John na siya ay naghihikahos ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.

Matatandaan, nakaraang taon ay naging laman ng balitang showbiz si John Regala.

Dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa kalsada ng Pasay, isang netizen ang nakakita sa kanya ng mga panahon na iyon.

Tinulungan naman siya ng mga kaibigan niya sa showbiz na maipagamot sa ospital at maibigay ang kanyang pangangailangan.

Ilan sa mga showbiz personalities na tumulong kay John pagkatapos mag-viral ang kanyang photo na ipinost ng isang Grab driver ay ang kapwa aktor na sina Rez Cortez, Sen. Bong Revilla, Nadia Montenegro, dating pangulong Joseph Estrada, Vic Sotto, Raffy Tulfo, Aster Amoyo, at marami pang iba.

Ngunit kalaunan ay nakasamaan niya din ng loob ang mga ito dahil umano sa tigas ng kanyang ulo.

Inamin din naman niya na tinutulungan siya ng Iglesia ni Cristo, pero hindi nga siguro sapat iyon kaya nakikiusap siyang bigyan ng trabaho.

Isa namang mahusay na actor si John at malakas naman ang batak niya sa publiko. Katunayan niyan maraming hit movies na siya ang bida noong araw.

Pero ngayon nga ay iba na ang sitwasyon. Medyo matanda na siya at may mga sakit pa.

Samantala, hindi naman natigil ang balitang pumanaw na ang aktor. Kaya naman sa kanyang Facebook post ay umalma na si John ukol dito.

Aniya, “Lagi nyo na lang po akong pina’pa’ta’y sa balita, darating rin po sa akin un bigyan nyo muna ako ako ng trabaho para may pambili ako ng kabaong ko”

Nanawagan din si John para bigyan din siya ng trabaho sa showbiz.

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz ipinamalas ang galing nila sa pagrampa sa Miss Universe PH runway challenge

Babaeng nagpa-tattoo ng kilay, dismayado sa kinalabasan, tattoo artist hindi na ma-contact