in

John Lloyd Cruz Sa Anak Na Si Elias: “Utang ko ang buhay ko sa anak ko”

Ang pagkakaroon ng anak ay ang pinaka malaking biyaya na ating matatanggap.

Maging si John Lloyd Cruz, malaki ang pasasalamat na nagkaroon siya ng anak.

Kilala si John Lloyd bilang napaka husay na aktor maging sa teleserye man o pelikula. Sa kanyang kagwapuhan at talento, hindi malayo na marami talaga ang mahuhumaling sa kanya.

Pero bukod sa pagiging artista, masasabi na ulirang ama na din si Lloydie.

Alam ng kanyang mga fans na pinili niyang lisanin pansamantala ang kasikatan at showbiz para maalagaan ang kanyang anak.

Si Elia Modesto ang anak na lalaki ni John Lloyd sa kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Matatandaan na hindi kaagad ibinahagi sa publiko ang pag bubuntis ni Ellen noon. Pero nang kinalaunan, ipinakilala na din ng dalawa si Elias sa madla.

Simula noon, naging mas bukas si Ellen at John Lloyd kay Elias kahit na sila ay nagkahiwalay na.

Sa most recent interview ni John Lloyd kasama si Ceasar Soriano, lumabas ang pagiging daddy ng aktor.

Tanong ni Ceasar sa kanya, “Meron kang isang anak, gano mo siya kamahal? Siya ba ang mundo mo ngayon?”

Sa puntong ito, naging malalim ang naging sagot ni John Lloyd.

“Anak ko talaga ang teacher ko. Malaki ang papel nun sa kung bakit ako ay andito pa ngayon.”

Pagpapatuloy niya, “Malaki talaga ang papel niya kung bakit bumabangon ka, nagsusumikap ka. Kaya, nako, malaki ang utang ko, utang ko ang buhay ko sa anak ko.”

Lumalabas na naging “will to live” ni John Lloyd ang kanyang anak na si Elias. Naging proud dad talaga siya sa kanyang panganay.

Sa ngayon, opisyal nang babalik sa showbiz si John Lloyd matapos ang ilang taon.

 

Andrea Brillantes naiyak sa hiya dahil sa kinalabasan ng kanyang live gaming stream sa Facebook

Angeline Quinto, May Plano Nang Mag Online Selling Dahil Sa Dami Ng Damit Na Hindi Na Sinusuot