in

John Lloyd Cruz official Kapuso na! Ipinakilala na ng GMA sa isang presscon

Certified Kapuso na nga ang A-List actor na si John Lloyd Cruz.

Ngayong araw November 9, official ng ipinakilala si John Lloyd bilang pinakabagong Kapuso artist.

Ilang larawan ng aktor kasama ang mga big boss ng GMA ang viral ngayon online. Kung saan makikitang pumirma na ng kontrata ang aktor.

Masaya din siyang winelcome ng GMA Artist center sa kanilang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Finally! Welcome JLC!!! We’re grateful for the trust,” saad ni Anette Gozon sa kanyang IG post.

Makikita din ang ilang Kapuso stars na sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Sanya Lopez at marami pang iba. Na winelcome si John Lloyd sa GMA.

Makikitang nakasuot si John Lloyd ng blue Tuxedo at malaki ang ngiti habang humaharao sa press people.

May ilang balita na sitcom muna ang gagawin ni Lloydie at ang production group ay galing sa ABS-CBN na pamamahalaan ni direk Bobot Mortiz.

Kimpoy Feliciano dinepensahan si Heaven Peralejo laban sa mga bashers, sinabing magkaibigan lang sila ng aktres

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado hindi inaasahan ang blessings na darating sa kanilang magkasintahan