in

John Lloyd Cruz ipinakita ang pangungulila sa anak na si Elias Modesto

Miss na miss na ng aktor na si John Lloyd Cruz ang anak niya kay Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Ang latest online post ni John Lloyd ay pumukaw sa atensyon ng mga netizens.

Ang kanyang post ay tungkol sa pangungulila niya sa kanyang anak.

Sa kanyang Instagram Story ay nag-post ang aktor ng larawan niya at nilagyan ng caption na “I miss u anak.”

Kalakip ng kanyang post ay ang kanyang litrato suot ang white shirt na may dinosaur design.

Tila matagal na ngang hindi nakakasama ni John Lloyd ang unico hijo niya.

Dahil na din siguro sa pagiging abala lalo na ngayong muli na siyang nagbalik sa industriya.

Mas madalas na kasama ngayon ni baby Elias ay ang kanyang mommy Ellen.

Kung titingnan kasi ang IG ni Ellen, makikita rito na lagi nga niyang kasama ang anak lately.

May mga ilang video pa na makikita pang naglalarong magkasama si Elias at anak ni Derek Ramsay na si Austin.

Pero hindi naman ipinagkakait ni Ellen na makita at makasama ni John Lloyd ang kanilang anak.

Kung matatandaan, sa mga nakalipas na panayam kay Ellen ay sinabi niyang mabuting ama si John Lloyd kay Elias.

Sinabi rin niya na co-parenting sila ni Lloydie kay Elias at hindi naman daw absent father ang aktor which means lagi itong present bilang ama.

Magtatatlong taong gulang na ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias. Para sa aktor ay masarap talaga sa pakiramdam ang maging isang ama pero hindi ito ganoong kadali.

Bilang isang ama ay maraming mga bagay na rin ang napagdaanan ng aktor. Para kay John Lloyd ay ibang klaseng responsilidad ang kailangang upang magampanan mo ang mga tungkulin ng isang ama.

Dahilan ng Kapuso singer na si Aicelle Santos kung bakit ayaw niya kumuha ng yaya

Kilalanin ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach na ngayon ay Kapuso artist na