in

John Lloyd Cruz ipinagdiwang ang kaarawaan ng kanyang ama, ipinaranas kay Elias ang simpleng pamumuhay

Isa man sa mga A-List actor si John Lloyd Cruz. Ipinaranas pa din niya sa kanyang unico hijo ang simpleng pamumuhay.

Sa bibihirang pagkakataon, nagbahagi si John Lloyd ng larawan nila ng kanyang anak na si Elias. Ito ay sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama na si Luisito Cruz.

Sa kanyang post sa Instagram ay nagpasalamat si John Lloyd sa kanyang ama. Kasabay ng pagbati nito “Salamat daddy, happy birthday!” ang caption habang nasa isang kubo sila.

Lahat sila ay nakapambahay lang ng suot at parang nasa isang resort. Hawak din ni John Lloyd ang saging na tila pinapakain niya kay Elias.

Dumagsa naman ang pagbati sa tatay Sito ni John Lloyd. Ilan sa mga bumati ay ang magkasintahan na sina Maja Salvador at Rambo Nunez.

“Happy Birthday Daddy!!! We Love you,” saad ni Maja

“Happy Birthday Tito,” komento naman ni Rambo.

“Awww Happy Birthday to your dad. Blessings always! God always makes something new,” pagbati naman ni Karen Davila.

Biniro naman ng isang netizen si Karen kung hindi daw ba niya ka-birthday ang ama ni John Lloyd.

Saad ng nasabing netizen, “@iamkarendavila Ms. Karen, ndi mo po ba sya kabirthay? Joke lang po haha.”

Matatandaan kasi na nag-viral ang video nila ni Lyca Gairanod kamakailan.Nang parehas silang nagulat na pareho pala ang kanilang birthday.

Samantala, umani naman ng libo-libong likes ang post ni John Lloyd. Umabot na ito sa halos 56 thousand likes.

Marami ang natuwa dahil bihira lang magbahagi si John Lloyd tungkol sa kanyang pribadong buhay. Pati na rin sa mga simpleng bagay na itinuturo nito sa anak nila ni Ellen Adarna.

Kris Aquino saludo kay Manny Pacquiao, may madamdaming mensahe para sa Pambansang Kamao

LGBTQ+ members na sina Direk Andoy Ranay, IC Mendoza, at Adrian Lindayag nagpugay sa pagkatalo ni Manny Paquiao