in

John Estrada naawa kay Willie Revillame, papautangin daw niya ito ng malaking halaga

Binisita ng aktor na si John Estrada ang matalik nitong kaibigan na si Willie Revillame sa resort nito sa Tagaytay.

Kilalang malapit na magkaibigan sin John at Willie na lagi din magkasama sa mga proyekto noon.

Kasama si Randy Santiago, silang tatlo ay naging main host noon ng noontime show na “Magandang Tanghali Bayan”

Ilang proyekto din ang pinagsamahan ng trio na minahal din ng mga manonood.

Nagkaroon man sila ng hidwaan noon na dahilan upang sila ay magkawatak watak, nangibabaw pa rin ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa.

Mas pinili nilang maging matatag ang kanilang pagkakaibigan na sinubok na ng nagdaang panahon

Kamakailan nga lamang ay binisita ni John Estrada si Willie Revillame sa resort nito sa Tagaytay.

Ibinahagi ni John ang pag bisita niya sa kanyang kaibigan sa kanyang mga post sa social media.

Kung saan makikita ang napakalawak na resort na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan.

Makikita din ang napakaraming nakaparadang mamahaling kotse ni Kuya Wil.

Sa panimula naman ng kanyang video, ay nagbiro pa itong si John Estrada.

Aniya binisita niya daw si Willie dahil naaawa daw siya dito.

Kaya naman pinuntahan niya daw ito para pautangin ng malaking halaga ng pera.

“Mukhang walang pera, pauutangin ko ‘to. Kaya ako pumunta dito dahil pauutangin ko siya,” saad ni John.

Sinakyan naman ni Kuya Wil ang birong ito ng kanyang kaibigan.

Nag kunwari itong nalulungkot at mukhang kaawa awa ng itapat na sa kanya ang camera.

Matapos ang biruan ng magkaibigan, sumunod namang ipinakita ni John ang napakagandang tanawin.

Sumakay din si John kasama ang kanyang pamilya sa helicopter na pagmamay-ari din ni Kuya Wil.

At inilibot ito sa kabuuan ng resort.

Panoorin dito ang nakakatuwa nilang video:

Anong say mo dito?

Heart Evangelista masaya bilang stepmother ng kambal na anak ng asawang si Chiz Escudero

Karen Davila binisita si Sen. Manny Pacquiao, nastar-struck sa kagwapuhan ng anak nitong si Jimuel