in

Joem Bascon “Sir Wil” pa din ang tawag kay Willie Revillame na ama ng kanyang partner na si Meryll Soriano

‘Sir Wil’ pa rin ang tawag ni Joem Bascon sa ama ni Meryll Soriano na si Willie Revillame.

Sa panayam ni Joem sa DZRH, ibinahagi niyang hindi muna nila pinaguusapan ni Meryll ang kasal.

Ngunit aniya, nakikita naman daw ng aktor na doon din ito patungo, lalo na ngayon na may anak na sila.

Sa ngayon ay mas priority nila ang kanilang baby Guido, at ito daw muna ang pinagtutuunan nila ng pansin.

“Ini-enjoy namin si Guido. Yung milestone, ini-enjoy namin yung paggapang niya, pagkain niya. I’m just happy na na-experience namin yun lahat.

“I’m sure, pag-uusapan namin yun sa darating na panahon. For now, we’re just enjoying yung nangyayari with us, especially na nandito na si Guido,” saad ni Joem.

Tuwang tuwa din umano ang lolo ni Guido na si Willie Revillame sa napaka cute na apo niya.

Kwento pa ni Joem, “Dumadalaw kami kay Sir Wil, lagi naming dinadala si Guido sa kanya. In passing, nakakamusta niya ako,. Gigil na gigil siya kay Guido.”

Napansin naman ng mga host ng DZRH na “sir Wil” pa din ang tawag ni Joem sa tatay ng kanyang partner.

Kaya natanong siya, kung kailan na ba siya ready na tawaging Daddy si Willie.

“Hindi ko po alam eh. Kasi nasanay na akong Sir Wil talaga ‘yung tawag ko sa kanya. Ever since, ‘yun talaga ang tawag ko, kahit makikita ko siya anywhere, Sir Wil talaga ang tawag ko. Nasanay na kasi ako na ganun. I don’t kung kailan, hindi ko pa po masasabi ngayon,” parang nahihiya pa niyang sagot sa amin.

“Alam mo ‘pag nakikita ko si Sir Wil na-starstruck pa rin ako sa kanya eh. Talagang napakabait nung tao, ang dami nang nagawa, narating at natutulungan,” dagdag niyang pahayag.

Jimmy Santos sumabak sa pag-uuling na ibinahagi niya sa kanyang latest vlog sa YouTube

Mother Sitang nag-flex ng new look after her cosmetic surgery sa isang photoshoot