in

Joel Cruz hindi spoiled ang mga anak, tinuturuan din ng mga gawaing bahay

Kahit marangya ang buhay, Joel Cruz nais pa ring matuto ng gawaing bahay ang kanyang mga anak.

Si Joel Cruz ay kilala bilang isang perfume mogul.

Tinaguriang “Lord of scents” sa industriya, siya ang may-ari ng sikat na pabangong Aficionado.

Hindi maikakaila na isa na siya sa mga successful na negosyante hindi lang sa Pinas kundi pati na din sa karatig bansa.

Kaya naman kabilang din siya sa isa sa pinkamayamang tao sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging matagumpay na negosyante, isang butihing ama din si Joel Cruz.

Siya ngayon ay may walong anak, from IVF, at iisa lang din ang nanay ng mga ito.

Ang kanyang mga anak ay sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid at Ziv.

Ang kanyang mga chikiting ay ipinanganak lahat sa bansang Russia.

Lilia ang pangalan ng kanilang ina, isang blonde Russian na may hawig umano kay Julia Roberts.

Samantala, kamakailan lang ay nakapanayam si Joel Cruz ng beteranang kolumnistang si Aster Amoyo.

Dito ay pinagusapan nila kung paano palakihin ni Joel ang kanyang walong anak.

Kwento ng negosyante ay kahit marami silang kasambahay, hindi niya hinahayaang walang matutunan ang mga anak sa mga gawaing bahay.

Tumutulong umano ang mga ito at hinahayaang gawin ang ilang bagay kagaya ng paliligo at pagligpit ng kanilang pinaghigaan.

Kahit angat sa buhay ay hindi umano binibilhan ni Joel ang kanyang mga anak ng gadgets.

Hineheram lang daw ng mga ito ang kanyang cellphone at naghihiraman lamang ang mga ito.

Nililimitahan din niya ang oras sa paggamit ng gadget.

Marami naman ang humanga sa pamamaraang ito ni Joel.

Anila, kahit daw napakarangyang tao na nito ay pagiging simple pa din ang itinuturo niya para sa kanyang mga anak.

No makeup look ni Regine Velasquez ibinida ng asawang si Ogie Alcasid

Dahilan ng Kapuso singer na si Aicelle Santos kung bakit ayaw niya kumuha ng yaya