in

Jodi Sta Maria masayang ibinahagi na graduate na siya sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Sciene in Psychology

Matapos ang apat na taong pag-aaral, nakatakda nang magmartsa para sa kanyang graduation ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Isa ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa malaki ang pagpapahalaga sa edukasyon. Kahit busy sa kaliwa’t kanang trabaho sa showbiz ay hindi niya iniwan ang pag-aaral.

At nagbunga na nga ang pagpupursige ng aktres ng ibahagi niya na napagtagumpayan na niya ang kanyang kurso.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Jodi sa kanyang Instagram na nakapasa siya sa kanyang thesis final defense matapos ang tatlong oras na panggigisa sa kanya ng panel.

“I wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. Being grilled for more than three hours was no joke.

“But I must say the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were worth it. Marching soon!” saad niya.

Si Jodi, 38, ay nag-aaral ng kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges simula pa noong June 2017.

Kahit pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista, consistent dean’s lister ang aktres.

At nitong araw lamang ay proud na proud na ibinahagi ni Jodi na nagmartsa na siya sa kanyang pagtatapos.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Jodi ang kanyang graduation photos.

Kalakip nito ang mahabang caption niya, mensahe sa mga nais din ipagpatuloy ang pag-aaral.

Aniya nais niyang maging inspirasyon sa ibang mga mag-aaral.

Saad pa nga ng aktres, “Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars.”

Ibinahagi din niya sa kanyang IG stories ang ginaganap na baccalaurreat mass ng kanilang klase.

Congratulations miss Jodi!

Beteranang aktres na si Gloria Romero, ibinahagi ang kanyang larawan noong siya ay dalaga pa lamang

Andi Eigenmann umani ng papuri matapos walang arteng kumain ng ubod sa unang pagkakataon