in

Jodi Sta. Maria gagraduate na matapos makapasa sa tatlong oras na final thesis defense

Matapos ang pagpupursige sa pag-aaral, Jodi Sta Maria magtatapos na sa kolehiyo.

Simula 2017 ay nag-aaral na si Jodi ng BS Psychology sa Southville International School and Colleges.

Kung saan nakatakda siyang magtapos ngayong taon.

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Jodi ang isa na namang achievement na natanggap niya.

Ayon kay Jodi, tagumpay ang kanyang final thesis defense last Saturday kaya sa wakas ay makaka-graduate na rin siya.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinahagi ng aktres ang litrato niya na kuha habang nagaganap ang kanyang virtual thesis defense.

“Wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. Being grilled for more than 3 hours was no joke, but I must say all the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were so worth it. Marching soon!!” saad ni Jodi sa kanyang post.

Nagpapasalamat rin si Jodi sa mga taong nagdasal para sa kanya.

“I want to thank everyone who prayed for me and those who sent messages of encouragement. Maraming salamat! Malapit na ang graduation! ”

Kung matatandaan, taong 2017 nang ibalita ni Jodi na nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang pag-aaral at tapusin ang kanyang kursong Bachelor of Science in Psychology.

Samantala, bukod sa pag-aaral busy din ngayon si Jodi para sa kanyang bagong serye.

Ang “The Broken Marriage Vow” na Filipino adaptation ng Dr. Foster.

Ito ang pinaka-aabangan ngayon ng mga manonood kung saan bibida rin sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla.

Bea Alonzo limang araw nagpalibre kay John Lloyd Cruz sa Dubai!

Matapos ang walong buwan na paghihintay, mamahaling bike parts ni Ion Perez dumating na!